Delicious Facebook Twitter RSS Feed

Slavine - an intriguing loveteam


Kamakailan lang ay nadeklarang big winner si Slater Young. Kaya nga kabi-kabila na ang tv guesting niya.

Sa The Buzz, kinompirma ni Slater ang matagal ng hinala ng mga Slavine fans. Crush daw ni Slater ang kapwa niya PBB housemate na si Divine Muego Maitland-Smith. Sa TV Patrol naman, tinanong si Slater kung liligawan ba niya si Divine. At ang sagot niya ay "Tingnan natin".

Hindi naman lingid sa karamihan ang sexual preference ni Divine. At alam naman nating siya ay kasulukuyang may karelasyon at ito ay si Mikhaela.

Pero bakit nga ba umaasa pa rin ang mga Slavine Pillows* sa loveteam na ito? Sa aking palagay, ito ay dahil hindi pangkaraniwang loveteam ang Slavine. Maraming hadlang kaya nga mas nakakaintriga at kaabang-abang ang susunod na mangyayari.

Liligawan nga ba ni Slater si Divine o rerespituhin niya ang sexual preference ni Divine at ang girlfriend nito? At ang mas importanteng tanong para sa akin: Magiging opisyal ba ang loveteam na Slavine? Kung hindi pwedeng for real, maaari bang for reel man lang? Abangan ang susunod na kabanata.

Samantala, abangan natin ang dance number ng Slavine sa opening ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4.

Related link: Slater gusto munang maging kaibigan si Divine

*Slavine Pillows ang tawag sa fans club nina Slater at Divine.

0 comments:

Post a Comment